You are my light, You’re the lamp upon my feet, all the time my Lord I need You there~

September 10 - 11, 2012 - LS401’s Retreat

Ikwekwento ko sana dito lahat ng mga nangyari sa akin, sa aming mga bading na barkada at sa klase namin. Kaso magiging spoil naman ako sa ibang hindi pa nakakapagretreat kaya hindi ito masyadong detailed.

First time lang ata sa DLSL na ang retreat house ay sa Inosluban, dati dati kasi sa Tagaytay pa. Noong una, parang nagrereklamo kami kasi mas trip namin ang malayo pero narealize ko din na makakain ng travel time yung mga pangsession time namin. Pag pasok ko sa retreat house, hindi ko ineexpect na ganun pala kacomfortable/kaganda yung venue. Akala ko kasi old houses. Tapos napapalibutan pa ng nature. Para sa akin, perfect talaga for a retreat.

Pagkatapos ibigay ang mga instructions, feel na feel at home na agad ako. Wala na kasi akong pake kung ano ang maging itsura ko at ng mga damit ko, basta’t comfortable ako. Tapos pasarap buhay talaga kami doon kasi lagi kaming pinapakain, ang sasarap pa ng mga pagkain nila. Lagi nga kaming mga varsities ang nauunang kumain, nakakahiya. HAHAHAHAHA. Tapos nagkaroon pa ng siesta time after, pero nakipagkwentuhan nalang din ako.

Pagkatapos naming magpakasarap buhay, sunod sunod na yung mga sessions namin. Ang bawat session ay may nakalaang topic at activity. Grabe, hindi ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon dahil sa mga naging sessions na iyon. Para bang naging light na yung mga dinadala kong mga problema, mas nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko, mas naappreciate ko yung mga taong nasa paligid ko at mas naging close talaga ako kay God. Ilang beses din kaming nag-iyakan, ilang beses din kaming natawanan at ilang beses ko ding niyakap ang lahat ng mga kaklase ko. Sa retreat din ito, para bang mas naniwala ako sa sarili ko at nalaman kong lagi silang nasa tabi ko. Nasabi ko din sa mga magulang ko ang mga gusto kong sabihin na hiyang hiya akong sabihin sakanila sa personal AT hinahayaan ko na talaga si God na ang magmaneho sa ekspedisyon ko.

Sayang lang talaga at 2 days, 1 night lang ang retreat namin. SOBRANG BITIN!!! Tapos kagabi, 1am na kami nakatulog kasi nagkwekwentuhan kami sa mga crushes at lovelives namin, though wala na ang akin. HAHAHAHAHAHA. Tapos dahil mga rebelz kami, pagkatapos lahat ng mga sessions namin kagabi, kumain lang kami ng kumain kahit mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain sa loob ng dorm. Tapos habang kumakain pa kaming mga varsities, nangtitrip talaga kami kaya utas lang kami sa kakatawa.

GRABE, SOBRANG SAYA, SOBRANG FULFILLING at SOBRANG MEMORABLE ang naging retreat namin na ito. Sabi nga nila, parang reunion na namin ito kasi after graduation, hindi na ulit kami makukumpleto kasi laging merong hindi makakaattend. Thankful talaga ako kay God kasi dahil sa retreat na ito, ang dami kong narealize at mas naging positive na ang tingin ko sa buhay. Ngayon pa nga lang nagiging nostalgic na ako kahit kahapon at kanina lang nangyari. Thankful ako sa mahal na mahal kong LS401 na nagsilbing pamilya na talaga sa akin, sa mga magulang ko na walang sawang nagmamahal sa akin at syempre, sa Diyos na Siyang ginagabay, inaalagaan at minamahal ako. I love you my LS401 family. I love my parents and my family. And I love God so much. <3

(Source: munchmunchmaj)

Post Info
Notes: 3
  1. majicalmaj posted this