Inferno by Dante Alighieri

  • Ilang weeks naming pinagpraktisan ito. Siguro mga 2-3 weeks? Pero ang practice namin ay hindi seryosohan. Yung bang isang pasada lang, bahala na. Tapos habang yung ibang mga sections ay hanggang 6-7pm umuuwi, kami’y walang pang 5pm, umuuwi na.
  • Tapos noong una, dahil puro mga intonations lang ang mga practices namin, tapos para sakin ay simple yung mga steps at intonations namin, sinasabi ko na sa sarili ko na “Ay, parang ang boring naman.” Kaya yun, feeling ko hindi na naman kami makakapagfirst place nito.
  • Tapos after like a week or two weeks of intonation practices, ito na ang mga problema. Nagkaroon ng misunderstanding sa ibang section, ng mga kaguluhan sa klase at halos sumuko na yung iba. Kasi parang palapit na ng palapit yung contest, we were stuck with intonations, samantalang yung ibang sections ay may actions na. At ang daming mga bali-balita na nagpapaturo daw yung ibang section sa mga college. Samantalang kami, wala pang napapag-usapang props at costumes, at yung mga actions ay hindi pa finalized. AT hindi pa talaga disiplinado ang klase. Kaya aaminin ko, kahit ako, mawawalan na sana na pag-asa.
  • The week after that, buti nalang ginanahan na kami. We keep our heads on the game kasi sa Friday na yung contest. Naging disiplinado kami, naging productive at we really exert our effort. Kita ko naman sa mga kaklase ko. Kaya in like 2 days, nagawa namin yung mga glancing, dictions, pauses at actions. Nasabi pa nga ng English teacher namin na kung aayos ayusin pa namin, feeling niya magiging first kami. Well ako, dahil hindi ko pa talaga nakikita ang buong performance namin, hindi ako masyadong naniniwala. Ang nega ko ano? HAHAHAHA. Pero yun, noong Thursday ay inabot kami ng hanggang 7pm kina Trisha. Hindi nga namin ineexpect na pupuntahan din kami ni Sir Fred at ng asawa nyang English teacher na si Ms. Haidee. Grabe, narealize ko doon na very supportive ni Sir Fred samin. Kahit nakaupo lang siya at nanonood saming nagpapractice, he was always there for us. Kaya thankful ako at siya yung napatapat na adviser namin. And we ended our practice in a meaningful prayer.
  • And the day all grade 10 students have been all waiting for - Friday. Pang-apat kaming klase na magpepresent. Actually, wala kaming props. Ang props lang namin ay mainipis na red cloth na binasta ng gupitin the day before ay ang mga pillars with cloth na mismong umaga lang ginawa. We focused more on our reading instead eh. Tapos simple pa yung costume namin, walang mga kung ano anong nakapatong o nakapaint. Black tshirt at black slacks. Kaya inisip na namin na kailangan na naming dalhin sa dramatic reading itself ang presentation namin.
  • Sa CAT, pinayagan kaming magpractice sa parking lot. Nang pinanood ni Ms. Merlin ang practice namin na hindi todo, naenganyo na siya. That encouraged me na to do my best sa performance kasi kayang kaya rin naman pala namin magkaplace kung ibibigay namin ang best namin. Physics time ay nag-experiment lang kami. Boohoo. Pero sa Economics, pinayagan kami ni Ms. Jonson. Yung iba samin ay nagulat. HAHA. Tapos sa English, nagpalit nalang kami at sa lunch time, cramming sa pagmakeup.
  • So after lunch, bumaba na kami sa old gym. Kita ko yung iba, props kung props, makeup kung makeup, at costume kung costume. Nahiya naman ako sa suot namin. HAHAHAHAHA. So yun, kinakabahan ako ng konti habang pinapanood ko yung mga nauna samin. Pero lagi ko nalang isinasaisip, mas maganda ang amin.
  • Nang kami na ang sunod, nagkaroon ng problema. Yung tanging props namin na pillars, hindi stable. Pero sabi ng iba, hayaan nalang daw. So yun, halos ibuga ko na ang baga ko tapos tingin talaga sa audience kung tingin, exag na kung ecag. Pero ah ah, dahil malimit akong nasa unahan, nanginginig ang kamay ko. Sana hindi napansin. Tapos hindi ko marinig ang sarili ko kahit halos pasigaw na ako at feeling ko kalat kalat at hindi kami sabay sabay. So after ng presentation, natuwa ako at tapos na.
  • Bawal pumalakpak after presentation kaya di ko alam kung maganda nga ba yung amin o hindi. At wala talaga akong idea kung paano namin naexecute yung presentation namin. Kaya habang pinapanood ko yung ibang mga sections, may kutob akong wala kaming place kasi para sakin, ang gaganda ng kanila. Yung bang iba ay may drama as group eh kami walang ganun. Basta, feeling ko talaga sa mga oras na pinapanood ko sila, parang mas mataas pa sila kesa samin.
  • Tapos habang nag-aannounce na ng mga winners, doon na talaga ako kinabahan ng sobra sobra. Nang tinawag na ang 2nd ay hindi kami yun, halos takpan ko na ang mga tenga ko kasi baka hindi kami yun. Eh kung wala kaming place, ah ah, iba na ang magiging tingin ng iba samin. Pero ng narinig ko na ang section, SHT LANG. Naghihiyaw at nagtatalon kami sa tuwa. AS IN. Tapos ako lagi na akong “OMG OMG OMG OMG OMG” Grabe, ang conyo ko lang. Tapos hanggang sa stage, ganun pa rin. No words can really express how much happy we are. Basta, masayang masayang masaya talaga kami ng mga oras na iyon. One of our happiest and unforgettable moments. Tapos kita ko ang daming mga teachers ang nagcongratulations kay Sir Fred, mga yumakap. After ng program, nagprayer muna kami. Kasi sobrang blessed talaga kami, at sobrang thankful kami kay Lord. After ng prayer, kami nalang ng aming kapitbahay ang natitira. Naka-3rd place sila tapos yung nagcongratulate kami sa isa’t isa tapos nagpasalamat. Nakakatuwa lang ang moment na iyon.
  • Ang dami naming natutunan na mga values all throughout sa preparations ng presentation namin. Kaya sabi nga ng kaklase ko, doon palang panalo na kami. Kasi natutunan naming maging disiplinado, maging mapasensya, magkaisa, magtulungan at to give out our 100% best. At hinding hindi ko rin makakalimutan ang mga practices namin na iyon kasi kahit papano neenjoy ko rin naman. Nagpapasalamat ako sa lahat lahat ng mga kaklase ko kasi ang gagaling talaga nila. Mas lalo na yung nagturo samin ng mga intonations, actions, etc. Mas lalo na sa mayor namin na super patient samin, kahit super stressed na siya. At sa mga teachers namin, mas lalo na kay Sir Fred. Napaluha nga siya kanina sa tuwa. Basta, sa sobrang tuwa at sobrang thankful ko, walang mga salita ang kaangkop dito. Grabe. This is one of the main highlights of my senior year. Hindi dahil sa 1st place kami, pero dahil ito talaga yung pinagsikapan namin, kinaya namin at naenjoy namin.
  • I love my LS401 family so much, and to God be the glory!

(Source: majicalmaj)

Post Info